Connect with us

Pagpapasara sa mga website ng mga terorista sa bansa, nararapat lang – law expert

Suportado mismo ng kilalang abogado na si Atty. Larry Gadon ang naging hakbang ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr.

National News

Pagpapasara sa mga website ng mga terorista sa bansa, nararapat lang – law expert

Suportado mismo ng kilalang abogado na si Atty. Larry Gadon ang naging hakbang ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. matapos na mabatid ang pagpapasara sa lahat ng websites na pinaniniwalaang konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Ako, I support the moves of Sec. Esperon in closing down the websites of these groups,” ani Atty. Gadon.

Ayon pa kay Gadon, halata ang mga ito na pumapanig sa makakaliwang paniniwala partikular na ang siraan ang kasalukuyang adminstrasyon.

Matatandaang hiniling ni Esperon sa NTC na ipagbawal ang pag-access sa website na direktang may koneksyon sa CPP-NPA-NDF na agad namang ginawa ng ahensya.

At ilan sa mga ito ay kinabibilangang ng official publication ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) site at ang website ni CPP Founder Jose Maria Sison.

Kabilang din sa ipinapa-block ni Esperon ang ilang independent media websites gaya ng Bulatlat at progesibong grupo tulad ng Save Our Schools Network, Uma Pilipinas, Rural Missionaries of the Philippines at Pamalakaya Pilipinas.

Itinuturing ni Esperon ang mga media organization at groups na kaakibat at sumusuporta sa mga terorista at terrorist groups. Bagama’t wala siyang matibay na katibayan para patotohanan ang kanyang mga paratang.

Ayon kay Gadon, may karapatan ang gobyerno ng Pilipinas na gawin nito ang legal na hakbang kung sa tingin nito ay nalalagay sa alanganin ang seguridad ng estado sa pamamagitan ng mga makakaliwang ideolohiya at pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa pamahalaan.

“Tama yung ginawa ni sec esperon na ipasara yung mga websites ng mga komunista,” ani Gadon.

Kaugnay nito, naniniwala rin ang tanggapan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na hindi nagkamali sa desisyon ang pamahalaan dahil sa lantarang pagpapakalat ng propaganda, recruitment at pangangalap ng pondo mula sa ibang bansa para siraan ang pamahalaan.

“They have established pervasive online presence through their website that they continually use to publish propaganda and misinformation campaigns in order to malign the Philippine government, recruit new members, and solicit funds from local and international sources,” saad naman ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Bukod naman kina Joma Sison, agad ring ipinasara sa internet provider ng NTC ang iba pang websites na sinasabing ginagamit ng mga kalaban ng pamahalaan para guluhin ang bansa dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon gaya ng: NDFP, NDF, Jose Maria Sison, Philippine Revolution Web Central, Bulatlat, Hiyaw, PRWC Newsroom, Revolutionary Council of Trade Unions, Compatriots – Revolutionary Organization of Overseas Filipino and their Families, Save Our Schools Network, uma Pilipinas, Rural Missionaries of the Philippines, Pamalakaya Pilipinas, Amihan National Federation of Peasant Women, Bayan, Aktibong Bayan, International League of People Struggle, Pinoy Weekly, Counter Punch, International Action Center, Monthly Review, People’s March, Taga-ilog News, Partisa-News at People Resist News.

Nanindigan naman si Gadon na sa ilalim ng Duterte administration at kahit sa papasok na pamahalaan ay walang nalabag na karapatan sa pagpapahayag ang administrasyon sa kabila ng kaliwat-kanang batikos ng maraming media entity laban kay Pangulong Duterte at maging sa mga Marcos.

More in National News

Latest News

To Top