National News
Pagpapatayo ng mga dam, hindi kalugihan – NIA
Hindi lugi ang pamahalaan sa pagpapatayo ng mga dam.
Ayon ito kay Engr. Eduardo “Eddie” Guillen, Acting Administrator ng sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Guillen, ang pagtatayo ng dam ay isang long-term solution para sa sapat na suplay ng tubig sa bansa.
“Yung solusyon po na iniisip ng ating pangulo, pang long term na ‘yan para kahit La Niña man ‘yan, El Niño man ‘yan, in place po ‘yung ating imprastraktura. Pinakamaganda pong infrastructure project kung ikaw ay agricultural country, ang pinakamalaki po na multiplier effect ay ‘yong irrigation system. Uulitin ko, pagnagtayo ka ng Dam, multipurpose po ito, hindi po tayo lugi dito,” ayon kay NIA, Acting Administrator, Engr. Eduardo “Eddie” Guillen.
Nitong Pebrero ay inihayag ng NIA na ninanais nilang maglaan ng P200-B taunang pondo para sa mga dam project.
Sinabi naman ni Engineer Ryan James Ayson hinggil sa kasalukuyang proyekto sa Kaliwa Dam, minimal lang aniya ang epekto nito sa kapaligiran kaya walang dapat ikabahala ang publiko dito.
Dagdag pa ni Ayson, isusunod na rin sa development ng dam ang Laguna Lake.
Ito’y dahil madalas na tumataas ang tubig sa Laguna Lake kaya maganda itong ma-utilize o magamit.