Uncategorized
Pagpapatayo ng multipurpose gyms na magsisilbing evacuation centers, isusulong sa Senado
Isusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang pagpapatayo ng multipurpose gyms na magsisilbing sa lahat ng munisipalidad at lungsod sa bansa.
Ayon kay Estrada, hindi sapat ang mga pampublikong paaralan na nakasanayang ginagawang evacuation center at nakaapekto rin ito sa iba pang mga aktibidad partikular na sa mga mag-aaral.
Sinabi pa ng senador na naaapektuhan din ang mga eskwelahan ng mga kalamidad kaya mas mainam na ang mga ipatatayong pasilidad ay kayang tumayo kahit may malakas na hangin o lindol.
Dapat din aniyang maging kumpleto ito sa mga kinakailangan ng mga biktima tulad ng palikuran at madaling maabot ng mga emergency personnel.
Ilalim ng panukala, uunahing bigyan ang nasa third hanggang sixth-class na munisipalidad at ang mga lugar na madalas tamaan ng mga kalamidad.