Connect with us

Pagpapatigil ni Pang. Duterte ng e-sabong, pinaboran ng mga senador

National News

Pagpapatigil ni Pang. Duterte ng e-sabong, pinaboran ng mga senador

Inanunsyo mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang taped Talk to the People Address ngayong araw, ika-3 ng Mayo, ang kaniyang desisyon na itigil na ang operasyon ng E-Sabong.

Ang kautusan ng pangulo ay ginawa matapos mabatid nito ang social cost na dala ng naturang laro sa mga Pilipino.

Ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ikinatuwa naman ang desisyon ng Punong Ehekutibo.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, talagang panahon na para mapahinto ang E Sabong gaya ng nakasaad sa kanilang Senate Resolution.

Matatandaan kasi na ito ang naging rekomendasyon nang 24 senador sa PAGCOR habang nasa kasagsagan sila sa kanilang imbestigasyon noon laban sa pagkawala ng 34 na sabungero.

“About time. Senate resolution suggests so,” ani Senate President Tito Sotto III.

Saad naman ni Senator Koko Pimentel, balot ng kontrobersiya ang E-Sabong dahil  pagkawala ng mga sabungero na maaring patay na ngayon at mabuti na lang aniya umaksyon na dito ang Pangulo.

“Mabuti naman at tinapakan ni Pres Duterte ang brakes para hintuin muna ang e-sabong, na isang activity na balot ng kontrobersya dahil sa pagkawala ng 34 katao na pinaniniwalaan natin ay patay na lahat,” saad naman ni Sen. Koko Pimentel.

Si Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, pinaboran din ang desisyon ng pangulo lalo pa’t patuloy aniya ang mga pag aaral sa epekto ng e-sabong sa mga tao.

Aniya sa naging kautusan ng Pangulo ay mauuna ang pagbibigay ng hustisya sa mga nawala at naulila dahil buhay at pamilya aniya ang laging mas mahalaga.

“Sumasang-ayon tayo sa pagpapatigil ng e-sabong habang patuloy ang mga pag-aaral ng masamang epekto na dulot nito. Buhay at pamilya ang lagi’t laging mas mahalaga. Sa utos ng Presidente, mauuna natin ang pagbibigay hustisya sa lahat ng mga nawala at naulila,” ani Sen. Poe.

Si Senator Ronald Bato Dela Rosa na siyang nanguna sa pag iimbestiga sa mga alegasyon sa e-sabong, ay sinabi namang hindi na ito nagulat sa naging desisyon ng presidente.

“Knowing him alam ko naman talaga si Presidente na kabutihan ng karamihan ang kaniyang ina ouster so nakita niya yong social cost na idinudulot ng e-sabong to the Filipino Community as a whole. Nakita niya na mas marami ang nasisirang buhay,” pahayag ni Sen. Dela Rosa.

Sinabi naman ni Dela Rosa na kahit ipinasasara na ng pangulo ang e-sabong ay hindi pa rin titigil ang kaniyang komite sa pagpapalabas ng magkahiwalay na committee report base sa sariling findings ng Senado patungkol sa e-sabong.

Patuloy din raw ito sa pagmomonitor sa PNP-CIDG at NBI para sa kanilang ginagawang imbestigasyon laban sa mga nawawalang sabungero.

Dahil na rin sa desisyon ng Pangulo sinabi ni Dela Rosa na tuluyan ng malabong makalusot ang franchise bill ng e-sabong sa Senado ngayong 18th Congress at depende na lamang kung bubuhayin ito ng paparating na administration.

“Kahit walang stoppage order galing kay Pangulo, malabo na talaga sa Senado yong franchise bill na yon dahil lack of material time. Hindi na yan aabot sa 18th congress not unless mayroong magrerefile nito sa 19th Congress,” ani Dela Rosa.

Ayon kay Poe, maraming senador ang hindi pabor sa panukalang mabigyan ng prangkisa ang mga e-sabong operator.

 

More in National News

Latest News

To Top