National News
Pagpapatupad ng sistema ng pagkolekta ng RFID sa mga expressway, isusulong ng isang mambabatas
Isusulong ni ACT-CIS Rep. Jeffrey Soriano sa Kamara ang isang resolusyon na naglalayong magpatupad ng sistema ng pagkolekta ng RFID sa mga expressway.
Ayon kay Soriano, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng maraming reklamo tungkol sa matinding trapiko na bunsod ng mga faulty scanner.
Aniya, napakaraming Pilipino ang napeperwisyo dahil sa depektibong RFID system sa SLEX.
Una namang humingi naman ng paumanhin ang san miguel corporation na nagpapatakbo ng SLEX system sa mga motorista na naapektuhan ng traffic jams sa bahagi ng SLEX, Skyway, NAIAX at STAR Tollway.