National News
Pagpapatupad ng travel ban sa SoKor dahil sa COVID-19, pinag-aaralan na
Magpupulong ngayong araw ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAFT-EID) kung dapat nang ipatupad ang travel ban sa South Korea dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pag-aaralan ng task force kung ipatutupad ang travel ban sa buong South Korea o sa ilang lugar lamang.
Ikokonsidera rin aniya sa isasagawang pulong ang posibleng epekto ng ban sa trade, turismo at iba pa.
Hinimok naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa South Korea kung saan umabot na sa halos 1,000 ang kumpirmadong kaso doon ng COVID-19.
