Connect with us

Pagpapatupad sa RA 11939, magiging hamon ng bagong DND chief – Rep. Tupas

Pagpapatupad sa RA 11939, magiging hamon ng bagong DND chief – Rep. Tupas

National News

Pagpapatupad sa RA 11939, magiging hamon ng bagong DND chief – Rep. Tupas

Iginiit ngayon ni House Committee on National Defense Chairman Raul ‘Boboy’ Tupas na magiging hamon sa bagong kalihim ng Department of National Defense (DND) ang pagpapatupad sa Republic Act (RA) 11939 na mag-aamyenda sa fixed-terms ng military officers.

Ayon kay Tupas, malaking hamon ito sa pagbabalanse sa pagpapatupad ng bagong batas.

“The third crucial issue awaiting the new secretary is the implementation of Republic Act 11709, as amended by RA 11939 on a tour of duty, retirement, and attrition in the Armed Forces of the Philippines, which was signed into law,” ani Tupas.

Sa ilalim ng bagong batas, mananatili sa 3 taon ang maximum tour of duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff maliban lamang kung ite-terminate ito ng mas maaga ng pangulo.

Mula naman sa 3 taon ay paiikliin sa 2 taon ang termino ng Commanding General ng Philippine Army (PA), Commanding General ng Philippine Air Force (PAF), at Flag Officer in Command ng Philippine Navy.

Habang 2 taon din ang fixed-term ng hepe ng Philippine Military Academy.

Tiwala naman si Tupas sa kakayahan ni bagong Defense Chief Gibo Teodoro na magagampanan nito ng tama ang kaniyang tungkulin sa DND.

More in National News

Latest News

To Top