National News
Pagpasa sa 2025 national budget, pinamamadali ni BBM
Pinamamadali na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagpasa ng national budget para sa taong 2025.
Sa kanyang liham para sa Kamara, binigyang-diin ng pangulo na ang maagang pagpasa ng 2025 national budget ay makatutulong tungo sa mas mabisang pagpapatupad ng tungkulin ng gobyerno sa bansa.
Mainam rin ito para matugunan ng pamahalaan ang anumang hindi inaasahang hamon.
Ang panukalang budget para sa 2025 ay nasa 6.4 trillion pesos.