Connect with us

Pagpayag sa mass gatherings at religious activities, binawi ng Palasyo

Roque huwag sisihin OFW

National News

Pagpayag sa mass gatherings at religious activities, binawi ng Palasyo

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Malacañang ang pagsasagawa ng work at religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque makaraang bawiin ng Palasyo ang nauna nilang anunsyo nitong Huwebes na pwede na muling magpatuloy ang religous activities kahit may banta ng coronavirus disease o.

Dagdag pa ni Roque, nakonsulta na ng pamahalaan ang halos lahat ng mga relihiyon kaugnay sa pagbabawal pa rin ng naturang mga aktibidad.

Sinabi pa ng Palace official na sang-ayon naman ang mga religious groups na kinakailangan mapangalagaan muna ang kalusugan ng mga mananampalataya at huwag munang ituloy ang anumang religious meetings habang nasa community quarantine.

Batay din sa isinagawang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force, marami namang alternatibo ngayon sa pagsasamba kung saan halos lahat ng pananampalataya ay idinaan na sa internet o hindi naman kaya’y sa radyo o telebisyon o personal mismo na relasyon ng sa Panginoon ang kanilang pagsamba.

More in National News

Latest News

To Top