Connect with us

Pagrepaso sa Solar-Powered Irrigation System projects, ipinag-utos ni Agriculture Sec. Tiu

Pagrepaso sa Solar-Powered Irrigation System projects, ipinag-utos ni Agriculture Sec. Tiu

National News

Pagrepaso sa Solar-Powered Irrigation System projects, ipinag-utos ni Agriculture Sec. Tiu

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanilang mga regional executive director sa bansa na repasuhin ang planong Solar-Powered Irrigation System (SPIS) projects ng Department of Agriculture (DA).

Sa impormasyong nakalap ng kalihim, may mga unit ng SPIS ang napabayaan na o hindi na gumagana.

Naglabas ng direktiba ang kalihim kasunod ng Facebook post ni dating Secretary Manny Piñol tungkol sa isang SPIS sa M’lang Cotabato na natapos noong 2020 ngunit hindi pa naita-turn over sa mga farmer beneficiaries ng DA Region 12.

Kaugnay nito makikipag-uganayan si Sec. Tiu sa dating kalihim para sa gagawing review at assessment.

Batay sa record ng DA, mahigit 200 SPIS ang itinayo sa buong bansa mula ng gamitin ito bilang isang banner program ng ahensya.

More in National News

Latest News

To Top