Connect with us

Pagsabog sa MSU sa Marawi, hindi “suicide bombing” – Lanao del Sur gov

Pagsabog sa MSU sa Marawi, hindi "suicide bombing" – Lanao del Sur gov

Regional

Pagsabog sa MSU sa Marawi, hindi “suicide bombing” – Lanao del Sur gov

Nilinaw ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. na hindi suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, umaga ng December 3, 2023.

Ayon kay Adiong, hindi pa nila matukoy kung ano ang motibo ng pagsabog at matagal-tagal na rin aniya mula ng huling naranasan nila ang ganitong uri ng insidente.

Naitaon ang pagsabog sa isang Sunday morning mass na ginanap sa paaralan.

Sa ngayon ay 4 na ang nasawi dahil sa pagsabog.

Nasa 35 mula sa 47 katao na dinala sa Amai Pakpak Medical Center dahil sa natamong sugat matapos ang pagsabog ay nakalabas na sa ospital.

May 2 pasyente nga lang na nasa kritikal na kondisyon at kailangan ng surgery.

More in Regional

Latest News

To Top