National News
Pagsama kay Pastor ACQ sa ‘most-wanted persons’, mali at ilegal – KOJC legal counsel
Kwestyunable ang naging hakbang ni Police Regional Office-Davao Region (PRO-Davao) Police Brigadier General Nicolas Torre III hinggil sa pagkakabilang kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa listahan ng ‘most-wanted persons’.
Ito ang binigyang-diin ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Legal Counsel Atty. Israelito Torreon sa ginanap na KOJC press conference sa Davao City.
Inilahad ni Torreon na may mga malinaw na hakbang at parameters para matukoy kung ang isang tao ay talaga ngang ‘most wanted’ o kasama siya sa top 10 most-wanted persons.
“There are actually criterias for the determination as to who will be top 10 most wanted persons, and they are governed by NAPOLCOM memorandum circular. There is this NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2019 as amended by NAPOLCOM Circular No. 2022.”
Una rito, ani Torreon, bago matukoy kung ang indibidwal ay most wanted person o top 10 most wanted person, ay nakadepende sa bigat ng mga krimeng nagawa niya.
Kung ang krimen ba ay karumal-dumal, sensational, at mayroong hindi bababa sa dalawang biktima.
Paliwanag ni Atty. Torreon, “Number two. Notoriety of the accused. Degree of his or her involvement. Accused is a habitual delinquent or recidivist. Eh first time charge ito kay Pastor, hindi pa nga nagka-trial eh. Paano siya magiging top 10 most wanted criminal?”
Kabilang din sa pinagbabasehang parameters ang posisyon ng akusado sa crime organization o syndicate.
Pero sa bahagi ni Pastor Apollo, ay hindi naman miyembro o wala namang sindikatong kinabibilangan ang butihing Pastor, bagkus, mga relihiyosong indibidwal ang pinamumunuan ni Pastor Apollo, at ito ang The Kingdom of Jesus Christ.
Isa pa sa criteria para sa pagtukoy kung ang isang indibidwal ay maituturing na most wanted person ang “Individual crime” o grupong saklaw ng operasyon at ang epekto nito sa seguridad, kapayapaan at kaayusan sa lugar.
“Ano ba ang impact ni Pastor sa ating community? Eh iba eh. Children’s Joy Foundation, ‘yung mga humanitarian efforts niya, lahat po, sukwahi. It goes against the parameters under NAPOLCOM MC 22-028.”
At panghuli, ipinahayag ni Atty. Torreon na ang national headquarters ng PNP ang talagang bumubuo ng “committee on wanted persons”, at hindi lang isang “singular person” sa katauhan ni Gen. Torre.
“And besides, ang pag-determine po nito, hindi lang isang tao. Panel po ito. Kasi may mga tao naman na terorista talaga na marami nang pinatay, dapat sila ‘yung mga top 10, bakit bigla na lang na-belong si Pastor na hindi lang top 10, siya na ata ang superstar kasi ‘yung pinaka-wanted noon na terorista, P7.5 million lang. Eh panel of generals ‘yung nagde-decide niyan kung sino ‘yan sila na pinaka-top 10. Hindi ‘yan determined by only one person,” saad ng abogado.
Samantala, tinawag ng dating CPP-NPA-NDF National Intelligence Officer na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz si Gen. Torre na hambog sa gitna ng utos nito na magpagawa at magpakalat ng wanted posters laban kay Pastor Apollo at iba pang mga akusado.
Ani Celiz, buong kahambugang sinasabi ni Torre na sa kapangyarihan niya at batas ‘yun na dapat ipatupad, pero siya lang ang nag-i-interpret.
“Hindi pa siya nakontento sa kanyang kahambugan ay kanyang inako na parang siya ang may-ari ng buong organisasyon ng Philippine National Police without panel discussion according sa mga lawyers kanina ay siya lang ang nagdeklara na magpagawa ng 200 posters ng wanted posters against kay Pastor Quiboloy at sa mga ministro nito.”
Para naman kay former NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy, maliwanag na may sinusundang utos si Torre mula sa taas.
“‘Yung may 1 million dito sa may baba, for murder, frustrated murder, double murder, arson, and it goes all the way up to 3 and then it comes to 7.5 million for murder, frustrated murder and these are convicted terrorists personalities.
“Pero, si Pastor, 10 million, and presumed innocent diba? So, itong si Torre, maliwanag na maliwanag from my perspective is, that he’s following orders. These orders emanated from somebody above him, and that to me, is Bongbong Marcos. Diba?”
