Connect with us

Pagsasagawa ng anti-government rally, hindi hinahayaan ng Marcos admin – FPRRD

Pagsasagawa ng anti-government rally, hindi hinahayaan ng Marcos admin – FPRRD

National News

Pagsasagawa ng anti-government rally, hindi hinahayaan ng Marcos admin – FPRRD

Malinaw na hindi hinahayaan ng Marcos administration ang pagsasagawa ng anti-government rally kahit mapayapa ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito sa kanselasyon ng Maisug rally sa Tacloban na nakatakda sana noong May 25, 2024.

Kung mapapansin, hindi ito ang unang pagkakataon na pilit na hinaharangan ang pagkakaroon ng Maisug rally sa isang lugar.

Una itong nagtagumpay sa Bulacan subalit sinabi ni FPRRD na sinubukan rin ng mga ito na harangin ang mga rally sa Davao City, Cebu City, Tagum City at Dumaguete City.

Sinabi pa ni dating Pangulong Duterte, ang mga inosenteng government workers ay pinapasuspinde o pinapatanggal sa pwesto bilang collateral damage sa mga rally.

Halimbawa na aniya dito sina Davao Del Norte Gov. Edwin Jubahib at Cebu City Mayor Michael Rama.

Sa kabilang banda, sinabi ng Transparency, Accountability, Peace & Security (TAPS) coalition o ang organizers ng Maisug rally na ang bagyong Aghon ang isa sa rason kung bakit kinasela na rin nila ang rally.

More in National News

Latest News

To Top