National News
Pagsasagawa ng mass testing, dapat bilisan – Cong. Salceda
Dapat bilisan ang pagsasagawa ng mass testing sa bansa.
Ito ang iginiit ni Albay 2nd District Representative Cong. Joey Salceda sa eklusibong panayam ng Sonshine Radio.
Aniya, susi ito para makausad na ang buong bansa mula sa enhanced community quarantine (ECQ).
“Sana mapaigting ng ating gobyerno na mapataas ang testing dahil yun talaga ang dahilan kung bakit tayo lahat nagtatago. Kasi nga may criminal (COVID-19 positives) pa sa labas at kailangan sila lahat mahuli,” saad ni Cong. Salceda
Malaki naman aniya ang testing capacity ng bansa kaya dapat mapabilis ang contact tracing sa mga COVID-19 carrier.
Dagdag pa rito, aniya dapat magkaroon ng programang tutulong sa mga small businesses, na syang bumubuo sa 60% ng labor workforce ng bansa. Lubos kasi itong naapektuhan sa pagpapatupad ng ECQ.
“Ang dalawang bagay pong ginagawa sa Kongreso, yung po ang pinaka-topic po ngayon, ngayon pong session namin, yung tinatawag na economic stimulus.”
Sa pamamagitan ng economic stimulus, maitatawid aniya ang mga small businesses hanggang maging normal ulit ang operasyon nito.
