Connect with us

Pagsasanib-pwersa ng TV5 at ABS-CBN, bubusisiin ng PCC sa posibleng masamang epekto

Walang problema aniya kung content-provider o content creator lang ang ABS-CBN sa TV5. Ito ang sinabi ni Rep. Dan Fernandez

National News

Pagsasanib-pwersa ng TV5 at ABS-CBN, bubusisiin ng PCC sa posibleng masamang epekto

Sisilipin ng Philippine Competition Commission (PCC) ang posibleng masasamang epekto ng pagsasanib pwersa ng TV5 at ABS-CBN.

Ayon sa PCC OIC Chairperson Atty. Johannes R. Bernabe, dapat matiyak ng komisyon na walang masamang epekto ang pagsasama ng dalawang network sa merkado at mga konsyumer.

“Sa ilalim ng batas, sa Philippine Competition Act, ‘yung mga malalaking merger na ganito normally ay kailangang i-notify sa ating komisyon para ating ma-review. Ma-review para makita ano bang epekto nito sa merkado at saka sa ating mga consumers,” ani Atty. Johannes R. Bernabe, OIC Chairperson, Philippine Competition Commission.

Saad ni Bernabe, may motu proprio powers ang PCC para siyasatin ang anumang deal na gagawin lalo pa’t dalawang naglalakihang network ang involve sa kasunduan.

“[Maaari] niyang buksan ang transaksyon at reviewhin ito dahil nga baka merong epekto. Anong mga epektong pag-aaralan. Maaaring tataas ang presyo doon sa mga advertisers na nagpapalabas ng commercial sa kanilang programa. Maaaring ang mga konsumers ay malilimitahan ang mapipili nilang choices so far as both content and yung tv provider mismo yung tv chanel mismo,” dagdag pa nito.

Kaya giit ng PCC, dapat magkaroon ng due diligence sa kasunduan ng ABS-CBN at TV5 upang masiguro na walang malalabag na Antitrust Law.

Sakaling may masilip na iregularidad, maaaring ipahinto ng PCC ang transaksyon.

“Anong mga options natin? Una nabanggit mo nga pwedeng ipagbawal, pwedeng i-prohibit yung transaksyon,” giit pa ni Bernabe.

Pwede ring magpataw ng mga kondisyon o remedyo para hayaan na magpatuloy ang transaksyon kaakibat ng masusing pagbabantay ng ahensya.

Mababatid na March 2020 nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN at una na rin itong nakipagsanib sa Zoey Broadcasting Network para makabalik sila sa free tv gamit ang Channel 11.

More in National News

Latest News

To Top