Connect with us

Pagsasara sa southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover, kasado na sa May 1

Pagsasara sa southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover, kasado na sa May 1

Metro News

Pagsasara sa southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover, kasado na sa May 1

Pinulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang ahensya ng gobyerno, mga apektadong barangay, at awtoridad nitong Lunes, ika-22 ng Abril, bilang paghahanda sa pagsasara sa southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover sa darating na May 01.

Sasailalim kasi ang nasabing tulay sa retrofitting at pagkukumpuni.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), isa ang Kamuning flyover sa 14 na tulay na tinukoy ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na kinakailangang kumpunuhin bilang paghahanda sa “The Big One.”

“Deflated na ang mga slab sa taas. Makikita ninyo mga mga cracks na pag-umuulan sumisipsip na ‘yung tubig sa baba. So critical na ‘yung deck niya at ‘yun ilalim ay kailangan natin i-strengthen at pahabahain ‘yung buhay ng tulay,” ayon kay DPWH-NCR, Engr. Bryan Briones.

Tatagal ang unang bahagi ng pagkukumpuni mula April 25 – August 6, habang magsisimula naman ang ikalawang bahagi sa July 15 at matatapos sa October 25.

Sarado ang nasabing bahagi ng flyover para sa mga pribadong sasakyan pero bukas ito para sa mga bus ng EDSA carousel.

Inaasahan ng MMDA na dahil sa nasabing pagsasara sa Kamuning flyover ay bibigat ang daloy ng trapiko.

“Sigurado tayo na may epekto sa traffic. Imagine isang lane nga lang na masiraan, kita niyo na ang effect. How much more itong flyover is bus lang makakadaan,” ayon naman kay MMDA, Director Noemi Recio.

“Starting May 1, kailangan nilang planuhin ‘yung biyahe nila na iwasan ito dahil talagang mag-eembudo,” saad ni MMDA, Chairman, Atty. Romando Artes.

Kaya naman hinahanda na ng MMDA ang mga alternatibong ruta tulad ng mga service road at Mabuhay lanes.

Katuwang ng ahensya ang DPWH, mga taga-barangay at maging ang kapulisan para panatilihing malinis ang mga nasabing kalsada mula sa mga iligal na mga nakaparking at iba pang obstruction.

“‘Yung clearing operations natin siguro during the entire duration ng project, aaaraw-arawin natin ‘yun at iikutan all the time to make sure nga na maluwag ‘yung mga alternative routes natin para nga po hindi magkaroon ng build-up ng traffic,” pahayag pa ni Atty. Romando Artes.

Case-to-case basis naman ayon sa MMDA kung papayagan pa nila ang iba pang mga road repairs habang kinukumpuni ang EDSA flyover.

More in Metro News

Latest News

To Top