Connect with us

Pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 category group, isang game changer laban sa COVID-19 – IATF

Hindi pa bakunado kontra COVID-19 ang 18 sa 47 indibidwal na tinamaan ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

National News

Pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 category group, isang game changer laban sa COVID-19 – IATF

Game-changer ang pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 category sa vaccination priority list.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kadalasan sa kasama ng A4 category ay lahat ng workers na syang isa sa mga nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Sinuportahan pa ang pahayag na ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hudyat na aniya ito sa muling pagbangon ng Pilipinas.

Mababatid na nasa 35M Pilipino ang bumubuo ng A4 priority group o economic frontliners.

Kaugnay nito, umarangkada na rin ang pagpapabakuna sa mga indibidwal na kabilang sa A4 category o mga economic frontliner sa Navotas City.

Ayon kay City Mayor Toby Tiangco, unang naturukan ng 1st dose ng Sinovac vaccine sa Navotas fish port complex si Jose Abrenio Jr., 59, Division Chief ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).

Hinihikayat naman ni Tiangco ang lahat ng residente at may trabaho sa Navotas na edad 18 pataas na magparehistro sa http://covax.navotas.gov.ph para mapabilang sa mga mababakunahan.

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top