Connect with us

Pagsisimula ng special elections sa Tubaran, Lanao Del Sur, naging maayos – PNP

Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang pulis matapos mahuli sa buy-bust operation sa Molo, Iloilo City.

National News

Pagsisimula ng special elections sa Tubaran, Lanao Del Sur, naging maayos – PNP

Naging maayos ang pagsisimula ng special election sa 12 barangay sa Tubaran, Lanao del Sur ngayong araw, Mayo 24.

Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Katuwang din ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay laban sa mga magtatangka na manggulo.

Mahigit 700 tauhan ng PNP ang naka-deploy sa lugar kabilang ang 171 tauhan ng PNP Special Action Force (SAF), 96 tauhan ng Civil Disturbance Management (CDM) unit.

Gayundin ang 252 tauhan ng Regional Mobile Force Battalion, 56 Augmentation Force at 25 Hijab troopers.

Samantala, nagsisilbi bilang Special Board of Election Inspectors (SBEIs) ang 52 pulis.

More in National News

Latest News

To Top