Connect with us

Pagsuri sa mga foreign workers sa mga POGO sa bansa, sisimulan na ng BI at DOLE

Pagsuri sa mga foreign workers sa mga POGO sa bansa, sisimulan na ng BI at DOLE

National News

Pagsuri sa mga foreign workers sa mga POGO sa bansa, sisimulan na ng BI at DOLE

Pumasok sa isang kasunduan ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) para magsagawa ng profiling o masuri ang personalidad ng mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa mga online gaming dito sa bansa.

Nabatid na sa ngayon ay umaabot sa mahigit 20-K na mga mangagawang Pinoy ang kasalukuyang may trabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa at base sa talaan ng DOLE ay mga Pinoy ang pinakamaraming bilang ng mga may trabaho sa POGO.

Samantala, bukod naman sa mga Pinoy ay may mga dayuhang nagtatrabaho sa mga POGO tulad ng Vietnamese, Chinese, Indonesian, Burmese, Malaysian, Taiwanese, Thai, South Korean, at Lao.

Kaugnay nito’y kinumpirma naman na kahit maraming mga mangagagawa ang umaasa sa POGO ay wala namang namomonitor na mga paglabag sa unfair labor practice.

Hinikayat naman ang mga manggagawa na bumuo ng labor union upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.

More in National News

Latest News

To Top