Connect with us

Pagsusulong ng peace talks sa makakaliwa, inayawan ng DOJ

Remulla kay Bantag: Talk is cheap

National News

Pagsusulong ng peace talks sa makakaliwa, inayawan ng DOJ

Sa eksklusibong panayam ng Sonshine Radio kay Justice Secretary Jesus ‘Boying’ Remulla, nanindigan ito sa kanyang pagtutol sa pagsusulong ng peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Ayon sa kalihim, hindi siya sang-ayon sa nasabing estratehiya para sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

Partikular na tinututulan nito ang nationwide approach ng peace talks.

Aniya, hindi mo alam kung sino ang kausap mo at kung sino ang paniniwalaan

Maliban na lang aniya kung localized ang porma ng usapang pangkapayapaan, nakikita at madali lang ikontrol ang paligid.

Sa huli, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay hindi kailangan ang peace talks sa mga New People’s Army kasabay ng pangako na hahabulin nito ang dapat na managot sa mga pagmamalabis na ginawa ng mga ito sa mamamayang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top