National News
Pagsusuot ng face shield, niluwagan na ni Pang. Duterte
Niluwagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang polisiya sa paggamit ng face shield.
Ito ay batay sa rekomendasyon ng mga eksperto na pwede nang limitahan ang pagsusuot ng face shield sa high risk activities.
“I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation itong executive department,” ani pangulo.
Sa kanyang Talk to the People address nitong Miyerkules, ika-22 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Duterte na pwede nang hindi magsuot ng face shield kapag nasa labas, bagkus, ia-aplay na lamang ang naturang polisiya sa 3Cs o close, crowded, close-contact.
Partikular na binanggit ng punong ehekutibo na ang face shield ay gagamitin na lang sa closed facility, hospital, crowded room, transportasyon, close-contact at iba pang indoor establishments.
“Let’s begin with the use of the face shield, ‘yung nakatakip sa mukha. I was informed of the recommendation from the Technical Advisory Group and medical experts that the use of face shield on top of face mask may be limited to high risk activities under the “Three Cs”: closed, crowded, pati close contact. This will include indoor establishments and transport, gatherings, other activities that promote close contact as applicable.”
Inihayag pa ni Pangulong Duterte na bukod sa naging rekomendasyon noon ng mga eksperto ang paggamit ng face shield, ay natakot din ang punong ehekutibo na mas lalong kumalat pa ang COVID-19, kaya iniutos niya ang implementasyon ng naturang polisiya.
“Ngayon, sabi ko takot ako sa — lalo na ‘yung pagdating ng COVID D. I got so scared that I ordered the reimposition of the face shields. Ang akin naman nito sabi ko any — maski gaano kaliit ‘yung contributing — contributing factor niya to avoid COVID, okay na lang. What’s inconvenience? But I was informed that itong the Technical Advisory Group and the medical experts on the use of face shields, ah puwede na tanggalin sa labas. No more face shields outside.”
Kung maalala, ang face shield policy ay naging mainit na paksa at debate sa ilang bansa na may kaparehong mandato sa Pilipinas dahil sa dagdag gastos umano ito sa mga ordinaryong mamamayan.
Kasunod nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na iisyu na agad ang implementation guidelines sa panibagong direktiba nito.