Connect with us

Pagtaas ng COVID-19 cases, ‘more concerning’ – OCTA

Mataas ang kumpiyansa at naniniwala ang Department of Health na hindi aabot sa 35,000 kada araw ang kaso ng covid-19 sa bansa,

National News

Pagtaas ng COVID-19 cases, ‘more concerning’ – OCTA

‘More concerning’ para sa OCTA Research ang pagtaas ng  COVID-19 cases sa Pilipinas sa nakalipas na mga linggo.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na sa nakalipas na linggo, tumaas sa 131 COVID-19 cases per day ang 7-day average mula sa 86.

Ayon kay David, may posibilidad na magkaroon ng 400 hanggang 500 COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Hunyo.

Dahil dito, sinabi ni David na dapat palawigin pa ang work-from-home dahil tumataas ang COVID-19 cases.

Aniya, magiging malaking tulong ang flexible work arrangement sa mga opisina upang mapigilan ang COVID-19 cases at physical contacts.

Muli ring hinimok ni David ang publiko na magpabakuna at magpabooster shot na laban sa COVID-19 at mahigpit na sumunod sa minimum public health standards.

More in National News

Latest News

To Top