Connect with us

Pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, ikinababahala ng grupo ng mga ospital

Pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, ikinababahala ng grupo ng mga ospital

National News

Pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, ikinababahala ng grupo ng mga ospital

Ikinababahala ng grupo ng mga ospital ang biglaang pagtaas ng kaso ng sa bansa.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, president ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc na nakababahala ang naitalang pagtaas ng humigit-kumulang sa 212% ang kaso ng dengue kumpara noong nakaraang taon.

Tinukoy din ni De Grano ang ilang lugar sa bansa na nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Gayunman, nilinaw ni De Grano na sa kabila ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa ay hindi naman tumaas ang fatality rate o ang namatay dahil sa sakit.

Pinaalalahanan naman ni De Grano ang publiko na agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital kapag nakaramdam na ng sintomas ng dengue.

More in National News

Latest News

To Top