Connect with us

Pagtakas sa bilangguan ng 7 PDEA suspects, kinumpirma ng PNP 

Pagtakas sa bilangguan ng 7 PDEA suspects, kinumpirma ng PNP 

Regional

Pagtakas sa bilangguan ng 7 PDEA suspects, kinumpirma ng PNP 

kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagtakas ng 7 suspek na una nang hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 sa Zamboanga City kaninag madaling araw lamang, May 13, 2024.

kinilala ang mga ito na sina:

  1. Wilson Indanan Sahiban
  2. Junjimar Hajili Aiyob
  3. Jimmy Angeles Sahibol
  4. Kerwin Mohammad Abdilla
  5. Albadir Mala Ajijul
  6. Muhajiran Romeo Jumlah
  7. Amil Khan Mahadali Abubasar

Ayon sa inisyal na report, bandang alas 2:45, Lunes ng madaling araw, Mayo 13 nang napag-alaman ng duty officer na wala na ang nasabing mga suspek sa loob ng kanilang kulungan.

Nakita rin sa imbestigasyon ang isang maliit na butas sa kisame ng kulungan na pinaghihinalaang dinaanan ng mga suspek.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na agad silang bumuo ng tracker team para sa agarang pagdakip sa mga tumakas na suspek.

“Based sa kanilang initial investigation ay mayroong butas doon sa may taas ng ceiling na pinagsu-suspetsahan nila na ginamit na exit points ng mga tumakas. Sa ngayon po ang PNP ay nag-create na rin ng tracker teams na tumutulong sa PDEA para muling mahuli muli itong mga tumakas na mga suspects,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Naaresto ang 7 noong May 3 sa isang buy-bust operation sa Brgy. Mampang, Zamboanga City at nakuha sa mga ito ang nasa 21 kilo ng shabu na may katumbas na halaga ng P145-M.

Kinumpirma naman ng PDEA Region 9 na ito na ang pinakamalaking huli nila ng iligal na droga kumpara sa mga nakaraang taon ng kanilang operasyon.

More in Regional

Latest News

To Top