National News
Pagtakbo ni Mayor Inday Sara sa pagka-VP, suportado ni Bong Go
Sinabi ni presidential aspirant Senator Bong Go na sinusuportahan nito ang pagtakbo sa pagka bise presidente ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ang naging pahayag ni Go matapos na sabihin ni Duterte-Carpio na ang PDP-Laban party na kinabibilangan ng senador ay tumangging suportahan ang tandem nila ni Ferdinand Marcos “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 elections.
Ani Go, hahayaan niyang linawin ng PDP-Laban ang isyu sa tamang panahon ngunit sinusuportahan aniya niya ang pagtakbo ni Duterte-Carpio.
Si Go na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS party na kaalyado ng ruling party na PDP-Laban ay walang kasamang running-mate.
