Connect with us

Pagtakbo sa mas mataas na posisyon, seryosong pinag-iisipan ni Sen. Sotto at Lacson

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tuloy na sa 2022 ang Lacson-Sotto Tandem.

National News

Pagtakbo sa mas mataas na posisyon, seryosong pinag-iisipan ni Sen. Sotto at Lacson

Ibinunyag ni Senate President Tito Sotto III na seryoso nilang pinag-uusapan ni Sen. Panfilo Lacson ang pagtakbo sa mataas na posisyon sa darating na 2022 national elections.

Ayon kay Sotto kung makakapagdesisyon si Lacson na tumakbo sa pagkapangulo ay siya ang magiging running mate nito.

Dagdag pa ng senate president, maraming mga grupo o sektor na lumapit sa kanila para sa eleksyon habang ang kaniyang partido na National People’s Coalition ay naghihintay na rin ng kaniyang desisyon

Si Sotto ang tumatayong acting chairperson ng naturang partido.

Sinabi pa ni Sotto na posible niyang ianunsyo ang kaniyang pinal na plano bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa buwan ng Oktobre.

Pagbabahagi naman ni Sotto na kung sakaling maging bise presidente ito ay gusto niyang hawakan ang problema sa illegal na droga.

Sakaling tatakbo sa pagkabise presidente si Sotto ay may posibilidad na makalaban nito si Pang. Duterte na hinihikayat ng PDP-Laban na tumakbo sa pagkabise presidente.

 

More in National News

Latest News

To Top