Connect with us

Pagtanggal ng administrative task sa mga guro, dapat paghandaan ng mabuti – teachers group

Pagtanggal ng administrative task sa mga guro, dapat paghandaan ng mabuti – teachers group

National News

Pagtanggal ng administrative task sa mga guro, dapat paghandaan ng mabuti – teachers group

Posibleng may hamon na kakaharapin ang Department of Education (DepEd) ngayong tatanggalin na sa mga guro ang administrative tasks ayon sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC).

Sa kasalukuyan, nasa 10-K lang anila ang non-teaching personnel na nai-hire para sa 2023 at 2024 academic school year.

Kung titingnan, hindi ito sapat ayon sa grupo dahil mahigit 47-K ang public schools sa bansa.

Hinihikayat ngayon ng grupo na magkaroon na ng sapat na preparasyon ang DepEd para dito.

Ang administrative task ay mga gawaing nakatutulong para sa epektibo at mabisang operasyon ng isang paaralan, programa, proyekto at iba pang serbisyo na hindi direktang may kaugnayan sa teaching at academic learning.

Sa bagong panuntunan, ililipat na ang administrative tasks mula sa mga guro papuntang mga school head, mga principal at teaching personnel.

More in National News

Latest News

To Top