National News
Pagtanggap ng mga non-COVID patients, lilimitahan ng Philippine General Hospital
Magsisimula nang limitahan ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga non-coronavirus disease patients.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 at nagkukulang na ang kanilang manpower.
Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, 40% ng kanilang health workers ay sumailalim sa isolation o naka-quarantine lalo na yung kabilang sa COVID-19 operations.
Ani Del Rosario, ang kanilang paglimita sa mga non-COVID-19 admission ay para bumaba yung bilang ng non-COVID patients at maaari nang ma-assign muli ang kanilang non-COVID personnel sa COVID operations.
Nilinaw naman ng opisyal na tanging mga tunay na emergency na lamang ang kanilang tatanggapin.
Sa kasalukuyan ay nasa 251 ang pasyenteng may COVID-19 sa PGH.
