Connect with us

Pagtanggi ng ilang pulitiko, hindi magandang panimula para sa 1Sambayan – Sen. Lacson

Itinuturing ni Sen.Panfilo Lacson na hindi magandang panimula para sa 1Sambayan ang pagdecline ng mga nominees nito para sa pagka presidente at bise presidente sa 2022 elections.

National News

Pagtanggi ng ilang pulitiko, hindi magandang panimula para sa 1Sambayan – Sen. Lacson

Itinuturing ni Sen.Panfilo Lacson na hindi magandang panimula para sa 1Sambayan ang pagdecline ng mga nominees nito para sa pagka presidente at bise presidente sa 2022 elections.

Matatandaan na noong Sabado, ay inihayag ng 1sambayan ang kanilang mga nominees na sila Vice President Leni Robredo, former Senator Antonio Trillanes IV, Senator Grace Poe, CIBAC party-list Representative Eduardo Villanueva, Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno, at si Batangas Representative Vilma.

Pero sakabila nito, sa isang pahayag ay agad na ipinaalam nila sina Sen. Grace Poe at Congwoman Vilma Santos na wala silang balak na tumakbo sa 2022.

Si Sen. Joel Villanueva naman ay nagsabi na malayong tumakbo ang kaniyang ama dahil sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya.

Si Atty. Diokno naman ay mas nais namang magpokus  sa kaniyang trabaho bilang legal help desk kesa pagtuunan ang pagtakbo sa darating na halalan.

Samantala, inihayag ni Stratsearch Foundation Executive Director at Political Analyst Professor Clarita Carlos sa Panayam ng Sonshine Radio na may violation of election laws na ang 1Sambayan .

Ito’y matapos nag-anunsyo sa kanilang kandidato bago pa man ang filing of candidacy.

Mababatid na Oktobre pa ang filing of candidacy at binigyang-diin ni Professor Carlos na hindi parin agad nakakapag-kampanya ang isang kandidato sa mga panahong ito.

Ayon sa professor, 90 araw pa bago ang election date maaring isagawa ang pangagampanya.

Pinabulaanan pa ni Prof. Carlos ang pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na wala silang kontrol dito hangga’t hindi pa naghahain ng certificate of candidacy (COC) ang isang indibidwal.

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top