Connect with us

Pagtatalaga ng price ceiling sa baboy at manok, pag-aaralan ng DA

Hindi nagkonsulta ang Department of Agriculture (DA) sa mga retailers, traders at hog raisers kaugnay sa kasalukuyang ipinapatupad na price ceiling sa presyo ng baboy at manok.

National News

Pagtatalaga ng price ceiling sa baboy at manok, pag-aaralan ng DA

Pag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatalaga ng price ceiling para sa baboy at manok.

Ito ay sa gitna ng nararanasang pag-taas ng presyo ng baboy at manok sa mga pamilihan sa kabila ng pandemya.

Ayon kay DA Usec, Ernesto Gonzales, layon nito na mapigilan ang sobra-sobrang patong sa presyo ng mga traders.

Inihalimbawa nito ang farm gate price ng baboy ngayon na nasa ₱230-₱250 kada kilo lamang ngunit ibinebenta ng nasa ₱400 kada kilo sa ilang palengke.

Gayunman, nilinaw ni DA Asec. Kristine Evangelista na kinakailangan ng masusing pag-aaral sa paglalagay ng price ceiling at ang pag-iingat na hindi masyadong maging mababa ang itatalagang presyo.

Ani dapat tignan ang buong value ng chain at makahanap ng balance kungsaan hindi malulugi ang mga farmers at hindi aaray sa presyo ang mga consumers.

 

More in National News

Latest News

To Top