COVID-19 UPDATES
Pagtatayo ng mga temporary health facility para sa mga PUIs at PUMs, welcome development
Isang welcome development para sa Philippine Medical Association ang pagtatayo ng pamahalaan ng mga temporary health facility para sa mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa naging panayam ng SMNI News kay Dr. Jose P. Santiago, Jr. Presidente ng Philippine Medical Association, aniya sa pamamagitan nito ay masisigurong mababantayan ang mga pasyenteng may mga sintomas pa lamang ng COVID-19.
Dagdag pa ni Dr. Santiago na magandang bagay na mahiwalay ang mga COVID-19 positive patients sa mga PUI at PUM.
Hindi din aniya advisable sa ngayon ang tinatawag na home quarantine dahil may ilang bahay na maliliit at hindi maaring maging isolation area.
Samantala, handa naman ani Dr. Santiago ang kanilang asosasyon na tumugon sa pangangailangang medikal ng bansa.
“Tumulong kami sa aming gobyerno, sa mga hanay po ng mga manggagamot sa Philippine Medical Association. Yun’ po ang pwede naming itulong sa kanila. Kasi, nagkakaroon po kami ngayong ng second book session. Nage-enlist po kami ng members na pwedeng tumulong sa mga ganitong pagkakataon, sa mga quarantine centers,” Saad ni Dr. Santiago.