Connect with us

Pagtugon sa cybercrimes, mas mapapabilis na – BI

Pagtugon sa cybercrimes, mas mapapabilis na – BI

National News

Pagtugon sa cybercrimes, mas mapapabilis na – BI

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mas madali nang matutunton ngayon ang mga dayuhan na sangkot sa cybercime na magreresulta ng deportation at ilalagay pa sila sa blacklist.

Ito ay dahil sa itatatag na Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ipu-pwesto sa mga airports, maging sa BI Main Office sa Intramuros, Manila, para agad na maaksyunan ang mga nasasabat na kaso na idinadaan sa bansa.

Nauna diyan ay pumasok at pumirma na sa memorandum of agreement sina BI Commissioner Norman Tansingco at CICC Executive Director Alexander Ramos bilang pangunahing ahensya ng gobyerno na lumalaban sa mga cybercrimes.

Nakasaad sa kasunduan na magbibigay ang immigration ng tulong sa mga imbestigasyon sa cybercrime at online fraud na sangkot ang mga dayuhan na pumapasok at nananatili sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top