National News
Pagtugon sa isyu ng ‘Diktadurang Marcos’, ipinauubaya ni VP Sara sa mga eksperto ng DepEd
Ipinauubaya ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa mga eksperto ng Department of Education (DepEd) ang pagtugon sa panukalang baguhin ang terminong ‘Diktadurang Marcos’ at palitan ito ng ‘diktadura’ lang.
Makikita ito sa araling panlipunan na kurikulum sa grade 6.
Sa pahayag ni VP Sara, magdedesisyon aniya dito ang mga eksperto ng curriculum and teaching experts ng DepEd.
Una na ring pinasinungalingan ni DepEd Bureau of Curriculum and Teaching Director Joyce Andaya ang alegasyon ng makakaliwang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na isang revisionism ang hakbang na ito ng DepEd.
Binigyang-diin ni Andaya na walang historical revisionism at wala ring political pressure mula sa administrasyong Marcos ang rekomendasyong alisin ang ‘Marcos’ mula sa ‘Diktadurang Marcos’.
