Connect with us

Pahayag ni PBBM na para siya sa press freedom, binatikos ng mga nakatikim ng panggigipit sa kaniyang admin

Pahayag ni PBBM na para siya sa press freedom, binatikos ng mga nakatikim ng panggigipit sa kaniyang admin

National News

Pahayag ni PBBM na para siya sa press freedom, binatikos ng mga nakatikim ng panggigipit sa kaniyang admin

Naglabas ng hinanakit ang ilang TV personality sa naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa press freedom at sa mga kritikal na media entities at journos sa kaniyang administrasyon.

“Unlike many of my predecessors, I do not seek collaboration, for that implies a surrender of your independence. I am of the opinion that national interest is better served by a press that is critical rather than a press that is cooperative,” ayon kay Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Galing na mismo sa bibig ni Pangulong Bongbong Marcos na mas pabor ito sa mga media na kritikal sa kaniyang administrasyon.

Sinabi ito ng pangulo sa harap ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Pagbibigay-diin ni Marcos Jr., itataguyod rin ng kaniyang administrasyon ang press freedom.

“The principal role of the press is not to applaud those who govern, but you hold us accountable, without holding back in giving praise to those who deserve it and providing criticism for those who deserve that,” saad pa ng pangulo.

Ngunit para sa mga dating host ng programang Laban Kasama ang Bayan sa SMNI, double standard ang pahayag na iyon ng pangulo.

Lalo na’t naging biktima ng pambubusal ang kanilang programa pati na ang SMNI mula sa administrasyon.

“Kung totoo ka sa sinasabi mo ito hindi pang-declamation contest or oratorical contest ang illegal, mapang-abuso, (immoral) at bulastog na order at immoral na order ng National Tyrannical Commission NTC na nagkakaroon ng indefinite suspension ang SMNI with a valid legally issued franchise until 2044,” ayon naman kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.

Pinatawan ng indefinite suspension ng National Telecommunications Commission (NTC) ang SMNI.

Resulta ito ng panawagan ng Kamara na suspendihin ang network matapos tanungin si Speaker Martin Romualdez kung totoo bang umabot sa P1.8-B ang travel funds ng kaniyang tanggapan sa 2023?

Nakulong naman ng 1 linggo sa Kamara sina Celiz at kapwa program host nito na si former NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy sa kasagsagan ng SMNI Franchise investigation.

50 taon ang nakararaan, si former President Ferdinand E. Marcos Sr. ang panauhin ng FOCAP.

Itinatag ang FOCAP para proteksyunan ang press freedom noong panahon ng Martial Law.

At ngayong taon, ang kaniyang anak naman na si Marcos Jr. ang guest resource person.

“Alam mo Eric, Atty. Glenn… ginagaya kasi niya ‘yung tatay niya na pasista din. Na ang unang ginawa ay ang pag-supil no sa press freedom. But unfortunately, he doesn’t have the brains of his father. At least with the old Marcos, no there was (RIRI) and sort of him? He’s a watered-down version of his Father. He doesn’t even come close to his father and he has the bloody gall to play the playbook of his father,” saad naman ni Dr. Lorraine Badoy.

Noong 2022 elections, SMNI ang nangampanya ng libre kay Marcos Jr. gamit ang nationwide TV and radio coverage ng network.

Nariyan din ang suporta ng social media avenues ng SMNI sa panahon na walang gustong mag-cover sa noo’y kandidato na si Marcos Jr.

Sa ngayon, dumulog na sa Supreme Court ang SMNI para ipawalang bisa ang suspension order ng NTC.

Para ipawalang bisa ang franchise law ng SMNI, kailangang makapagpasa ng kaukulang batas para dito.

Pero kahit walang enabling law, ginamit ng estado ang kapangyarihan ng NTC para tanggalin pansamantala sa ere ang SMNI, ang istasyon kung saan umeere ang programa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hayagang pumupuna’t sumasaway sa mga maling desisyon at aksyon ng Marcos administration.

More in National News

Latest News

To Top