Connect with us

Palakasan system sa IRM funding, pinabulaanan ni Health Sec. Duque

Pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque ang 'Palakasan System' sa pagrerelease ng pondo na mula sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

National News

Palakasan system sa IRM funding, pinabulaanan ni Health Sec. Duque

Pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque ang ‘Palakasan System’ sa pagrerelease ng pondo na mula sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ito ang isa sa mga nilinaw ng kalihim sa pangatlong pagdinig ng Senado at sa unang beses na pagdalo ng pagdinig ni Duque.

Aniya, tinitiyak niyang walang palakasan sa pagbibigay ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) sa mga ospital.

Sa datos, ang Southern Philippine Medical Center ang nakakuha ng pinakamalaking pondo mula sa pinakahuling IRM ng ahensya na nakakuha ng P326 million, sumunod ang UP-Philipine General Hospital na may P263 Million at pangatlo ang Davao Regional Medical Center na nakakuha ng 209 Million pesos. .

Nilinaw din ni Duque na ang lahat ng Health Care Institutions ay maaring makakuha ng IRM Funds at hindi lamang ang mga hospital na accredited sa pagtanggap ng COVID patients alinsunod sa probisyon ng National Health Insurance Act at Universal Health Care.

Pero sinabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson na walang nakasaad sa rationale ng latest IRM ng Philhealth sa circular no. 2007-0007 na ang IRM Funds ay hindi lamang para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Muling inungkat din ni Lacson ang B.Braun Avitum, isang Free Standing Dialysis Center na nakuha ng P45M IRM funds gayong hindi ito accredited hospital para sa COVID Patients.

Ayon pa kay Lacson, ang IRM ay ginawa para sa mga fortuitous event gaya ng Ondoy, Yolanda at Marawi Siege at na-extend lamang sa COVID-19 pandemic

Samantala, maliban naman sa Palakasan System ay sinabi ni Duque na hindi totoong may P153 Billion na nawala sa Ahensya dahil sa Fraud.

Aniya, mismong si Commission on Audit (COA) Chairman Aguinaldo ang nagsabing walang ganitong report na lumabas sa kanilang report.

Matatandaan na si Duque ay naging bahagi na ng Philhealth simula pa noong taong 2001 bilang President at Chairman ng Philhealth.

More in National News

Latest News

To Top