Regional
Palanan, Isabela, malaya na sa kamay ng CPP-NPA
Sa bisa ng Joint Resolution Number 01 Series 2024, pormal nang idineklara bilang insurgency free at state of stable internal peace and security (SIPS) ang Bayan ng Palanan sa Isabela.
Ang deklarasyon ay kasunod ng sunod-sunod na pag-apruba ng mga resolusyon ng Palanan Municipal Peace and Order Council at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Dumalo sa seremonya sina Palanan Mayor Angelo Bernardo Commander ng 5th Infantry Division (ID) Philippine Army (PA) Major General Audrey Pasia, National Intelligence Coordinating Agency Region 2 Director Plomelinda Olet at maraming iba pa.
Ayon kay 5th ID Spokesperson Major Riggor Pamittan, ngayong malaya sa komunistang CPP-NPA-NDF ang nasabing bayan naniniwala sila na magbubukas ito ng maraming oportunidad, trabaho at mamumuhunan para sa mga mamamayan ng Palanan.
