Connect with us

Palasyo, isinisi sa umano’y fake news ang approval at trust rating ni PBBM; Senatorial candidate, bumuwelta sa Palasyo

Palasyo, isinisi sa umano’y fake news ang approval at trust rating ni PBBM; Senatorial candidate, bumuwelta sa Palasyo

National News

Palasyo, isinisi sa umano’y fake news ang approval at trust rating ni PBBM; Senatorial candidate, bumuwelta sa Palasyo

Sinagot ni senatorial candidate at dating defense secretary na si Norberto Gonzales ang Palasyo matapos isinisi nito sa umano’y fake news ang patuloy na pagsadsad ng approval at trust rating ni BBM.

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga Pilipinong walang tiwala sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bansa.

Batay sa huling datos ng Pulse Asia Research sa pamamagitan ng ginawang Ulat ng Bayan Survey, as of March 2025, nasa 25% lang ang approval rating ni Marcos Jr. habang umabot naman 53% ang disapproval rating nito.

Kung ikukumpara, ang nabanggit na resulta noong buwan ng Pebrero taong kasalukuyan, tanging si Vice President Sara Duterte lang ang opisyal ng gobyerno na nakakuha ng mataas na ratings habang ang trust ratings naman ni Marcos Jr. o ang naniniwala sa kanya’y bumaba mula 42% noong Pebrero at ngayon ay nasa 25% nalang.

Habang ang kanyang distrust ratings o iyong mga hindi naniniwala sa kanya ay dumami mula 32%, umakyat pa ito sa 54%.

Rason naman ng Palasyo, ang pagbaba ng ratings ni Marcos Jr. ay dahil daw sa fake news, “Sumasalamin din po ito sa impluwensya ng mga fakenews na nagkakalat.”

Reaksyon ng dating kalihim ng Department of National Defense (DND) at senatorial candidate na si Norberto Gonzales, “Dati pa ‘yang mga fake news na ‘yan ang iba nga sa kanila pa nanggagaling diba? tapos ngayon na bumagbagsak tapos sasabihin fake news.”

Isang magandang halimbawa ng fake news na ipinakalat ng Palasyo at ng mismong pangulo ay noong sinabi nito na wala raw’ng dalang armas ang mga pulis na iligal na pumasok sa mga compound ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong 2024.

Idagdag pa rito iyong pangako ng pangulo na P20 na kilo ng bigas na hanggang ngayon ay hindi pa nangyayari gayong naging kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Marcos Jr.

Pangatlo, ipinangako rin niya na ipagpapatuloy niya ang sinimulan ng Duterte administration pero iligal na ipinaaresto ang dating pangulo at minadali ang pagpapadala sa kanya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands nang walang pahintulot.

Kaugnay nito, sinabi ni Gonzales na dahil sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ipinapakita lang umano ni Marcos Jr. na siya’y isang mahinang lider, “Dahil nga sa pagkakaaresto kay dating pangulong duterte lumabas ‘yong pagkahina niya ang paniniwala ng ating mga kababayan lalong humihina ang liderato ng pangulo natin.”

Bagamat aminado si senatorial candidate Gonzales na mayroon talagang nagpapakalat ng fake news, hindi aniya nito maitatago ang katotohanan at tunay na nararamdaman ng mga Pilipino na hindi kayang pamunuan ni Marcos Jr. ang Pilipinas, “Alam mo bagamat maraming fake news na umiikot ‘yong katotohanan nararamdaman at nakikita ng taong bayan ‘yan ‘yan talaga ang nagpapabagsak sa pangulo ‘yong sintemyento ngayon na hindi nya kayang gampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo.”

Sa huli, ito ang payo ni Gonzales kay Marcos Jr., “Dahil napakababa na at maaaring bumaba pa marami nang nag-iisip na kung pwede sana para sa ikabubuti ng bayan mag-isip na ang pangulo either mag-resign o tumawag ng snap election.”

More in National News

Latest News

To Top