National News
Palasyo, tinanggap na ang pagbibitiw ni PIA Director Harold Clavite
TINANGGAP na ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Philippine Information Agency (PIA) Director Harold Clavite.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni noong July 17, 2019.
Sa liham ni Clavite na naka address kay Medialdea, sinabi nito ang intensyong magsumite ng kaniyang irrevocable resignation dahil sa umanoy personal na mga dahilan.
Sinabi pa ni Clavite na panahon nang bumalik siya sa kaniyang pamilya matapos makapagsilbi sa bayan ng tatlong taon.
Binigyang diin ni medialdea na kinikilala ng palasyo ang naging serbisyo sa gobyerno ni clavite at hangad para sa kaniya ang magandang kapalaran sa susunod niyang mga adhikain.