Connect with us

Palawan, idineklara nang insurgency-free

Palawan, idineklara nang insurgency-free

Regional

Palawan, idineklara nang insurgency-free

Idineklara na bilang insurgency-free ang Palawan Island nitong ika-1 ng Setyembre ngayong taon.

Ang deklarasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month 2023 na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang programa sa gitna ng pagbisita ni PBBM sa naturang lalawigan, opisyal na idineklara ang Palawan Island at ang lungsod ng Puerto Princesa bilang insurgency-free.

Kasunod ito ng inisyal na ginawang joint declaration ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) noong 2022.

Ang nasabing deklarasyon ng joint body ay nakasaad na ang lahat ng focused areas (FOCARs) at Konsolidado, Kinokonsolida, Ekspansyon at Rekoberi (KKER) sa Palawan at ng lungsod ay na-clear na, gaya ng iniulat sa Clearing Validation Board Resolution Nos. 01 s-2020, 01 s-2021 at 01 s-2022 ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Isang serye ng mga socio-economic support programs at packages ang inilunsad ng Region IV-B o MIMAROPA (Mindoro [Occidental Mindoro and Oriental Mindoro], Marinduque, Romblon at Palawan) Regional Task Force (RTF) – ELCAC at PTF-ELCAC clusters.

Kasama rito ang information at awareness campaigns upang matiyak ang kapakanan ng mga dating rebelde.

Ang iba pang mga programa ay pinalawig din sa mga ito sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng national government at Local Social Integration Program (LSIP) ng provincial government.

Sa ginawang programa sa Palawan, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatunog ng Peace Gong, na sumisimbolo sa pagsisimula ng National Peace Consciousness Month.

Ang okasyon ay may temang “Kapayapaan: Responsibilidad ng Bawat Mamamayan.”

More in Regional

Latest News

To Top