National News
Palugit para sa voter reactivation, pinalawig ng Comelec
Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) ang palugit para sa lahat ng voters na magpa-reactivate.
Sa anunsyo, hanggang Setyembre 25, 2024 ay maaari paring magpa-reactivate ang mahigit limang milyong deactivated voters.
Natapos na sana ang voter reactivation noong Setyembre 7.
Sa kabilang banda, sa bagong registered voters para sa 2025 midterm elections, umabot na ito ng anim na milyon ayon sa poll body.