Connect with us

Pamahalaan, dapat magsagawa ng inventory ng white onions para makita ang sinasabing shortage nito bansa

Dapat magsagawa ng inventory sa local white onions para masilip kung gaano kalala ang sinasabing shortage nito bansa.

National News

Kasunod ito sa pag-anunsyo ng Department of Agriculture (DA) na may kakulangan ng suplay nito sa mga pamilihan dahil sa maliit na produksiyon.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, sa pamamagitan ng inventory ay makikita kung may traders bang nagho-hoarding ng white onions.

Maganda rin kung makapagsagawa ng inventory sa mga magsasaka sa visayas at mindanao para makita ang totoong sitwasyon.

Sinabi pa ng senadora na nananamantala na ngayon ang smugglers ng imported white onions sa sitwasyon at binebenta sa mga restaurant ang kanilang produkto ng 10 beses na mas mataas kumpara sa normal na presyo.

Mas maganda rin aniya kung may kontrata na ang mga magsasaka sa restaurant industry sa susunod na major harvesting season sa abril.

Kaugnay nito ay iminungkahi ni Sen. Imee na maganda kung gumawa ang pamahalaan ng cold storage facilities para sa mga produkto ng mga magsasaka.

More in National News

Latest News

To Top