National News
Pamahalaan, inaasahan na makakarekober ang bansa pagkatapos ng 1 buwang pakikibaka sa COVID-19
Umaasa ang pamahalaan ng makakarekober ang bansa pagkatapos ng isang buwang pakikibaka sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Aminado si Trade Secretary Ramon Lopez na maaaring maapektuhan ang ekonomiya ng bansa sanhi ng dumadaming kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na 1 percentage point lang ang maaaring maging impact ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.
Ngunit ayon kay Sec. Lopez, kailangan nila ng panibagong computation sanhi ng extreme enhanced community quarantine.
Sa ngayon, kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, nasa 6.5-7.5% ang maging epekto nito sa economic target ng bansa.
Sa ngayon, umiiral ang enhanced community quarantine ang buong Luzon at kalimitan sa mga kumpanya ay tigil operasyon.
Sinabi rin ni Lopez na maglalaan ng Php 27.1 Billion package ang pamahalaan para makatulong sa mga apektadong negosyo.
Isa rin ang Department of Agriculture (DA) na magbibigay ng finacial relief sa ilalim ng survival and recovery aid program.
