Metro News
Pamahalaan ng Marikina, pinaiigting na magsagawa ng disinfection sa gitna ng COVID-19
Ipinag-utos ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na paigtingin pa ang pagsasagawa ng disinfection sa mga pampublikong lugar na sakop ng lungsod.
Kasunod ito ng pagkakatala ng unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ani Teodoro, Pebrero 19 nang nakabalik sa bansa ang nagpositibo sa naturang virus na una ng na-diagnosed sa sakit na pneumonia at kasalukuyang naka-isolate sa isang pribadong hospital sa Pasig City.
Sa ngayon ay naka-quaratine ang pamilya ng nagpositibo sa COVID-19 at patuloy pa rin na hinahanap ng pamahalaan ng Marikina ang lahat na nakasalamuha nito.
Magsasagawa naman ang lokal na pamahalaan ng Barangay Emergency Response Team upang mabilisang masubaybayan ang mga Marikeño sa sintomas ng COVID-19.