Connect with us

Pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy, ipauubaya na sa susunod na administrasyon – LTFRB 

Ipinauubaya na sa susunod na administrasyon ang pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy. Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

National News

Pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy, ipauubaya na sa susunod na administrasyon – LTFRB 

Ipinauubaya na sa susunod na administrasyon ang pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy.

Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Maria Kristina Cassion sa Laging Handa Public Briefing.

Aniya, hindi nila haharangan ang anumang programa ng Marcos administration kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa transportation sektor.

Una namang tiniyak ni President-elect Bongbong Marcos na kanyang tututukan ang sektor ng transportasyon.

Samantala, kaugnay naman sa pamamahagi ng first tranche, sinabi ni Cassion na aabot na sa mahigit 246,000 beneficiaries o transport drivers ang nakatanggap na ng fuel subsidy.

Ayon kay Cassion, may sinauli ang LTFRB sa Department of Trade and Industry (DTI) na 5,000 applications para sa fuel subsidy dahil invalid accounts ang mga ito.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa DTI ukol sa isyu.

Matatandaang naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bilyon para sa fuel subsidy ng mahigit 300,000 transport drivers kabilang mga delivery riders bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

 

More in National News

Latest News

To Top