Connect with us

Pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP, pinalawig ng 1 linggo

COVID-19 UPDATES

Pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP, pinalawig ng 1 linggo

Pinalawig pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, maliban sa NCR, bibigyan din ng 7-day extension ang pamamahagi ng SAP ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu City at Davao City.

Magkakaroon naman ng 4-day extension ang iba pang LGU na may problema sa pamamahagi ng SAP.

Hinimok naman ni Año ang mga LGU na mag-liquidate agad para maihanda ang ikalawang yugto o second tranche ng SAP.

Samantala, aminado si DSWD Sec. Rolando Bautista na may implikasyon kapag ang unang bahagi ng SAP distribution ay hindi maibibigay.

Ito ay ang hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga dapat makatanggap nito dahil sa walang natanggap na ayuda.

Nilinaw naman ni Bautista na ibibigay lang ang second tranche ng SAP kapag mayroon ng full validation  ang mga LGU.

Dagdag pa ni Bautista, first come, first serve basis ito na kapag nakapagbigay na ang LGU ng liquidation sa DSWD, mauuna itong mabibigyan ng second tranche ng SAP.

Muli namang hinikayat ng DILG at DSWD ang mga LGU na bilisan pa ang isinasagawang distribusyon ng SAP ngayong pinalawig pa ito na wala ring masasakripisyong patakaran pagdating sa physical distancing at pagsusuot ng mask.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top