Connect with us

Pamamahagi ng ayuda sa rice retailers sa QC, sinimulan na ng pamahalaan

Pamamahagi ng ayuda sa rice retailers sa QC, sinimulan na ng pamahalaan

Metro News

Pamamahagi ng ayuda sa rice retailers sa QC, sinimulan na ng pamahalaan

Sanib puwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DTI) sa isinagawang pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer sa Quezon City, kamakailan.

Layunin ng pamahalaan na matulungan na makabawi sa pagkalugi ang magbibigas dahil sa mandatong pagtitinda ng P41/kg ng regular milled at P45/kg ng well milled rice.

Higit P6-M ang inilabas ng DSWD mula sa pondo nito sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) upang matulungan ang 405 accreditation rice retailer’s ng lungsod.

Aminado naman si DSWD Sec. Rex Gatchalian na hindi sasapat sa ngayon ang ayuda ng pamahalaan ngunit gumagawa aniya ng paraan ang gobyerno.

“Pinag-aaralan na namin at pag-aaralan na namin DTI kung papaano pa tayo maka-augment and paano pa makakatulong sa mga micro rice retailers natin na naapektuhan,” ayon kay DSWD, Sec. Rex Gatchalian.

Tiniyak naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bukod sa ayuda mula sa pamahalaan nasyonal ay maaari ring makatanggap ng tulong pinansyal ang mga QC rice retailer sa ilalim ng “Kalinga ni Joy” program.

“Mabibigyan din natin sila ng tulong hindi po talaga tayo rito gustong mag-exclude kahit sino. The most important thing is everybody affected must be given assistance,” ayon naman kay Quezon City, Mayor Joy Belmonte.

Nilinaw naman ni DTI Director Fhilip Sawali III na makatatanggap ng ayuda ang mga rice retailer na wala sa kanilang masterlist.

Pinapayuhan ang mga magbibigas na wala sa masterlist na bisitahin ang Facebook page ng DTI at DSWD upang malaman ang hakbang na kanilang gagawin.

“Huwag mag-alala ang mga kababayan natin na mga nagtitinda at negosyante lahat po ng mga apektado lalo na yung mga maliliit ay mabibigyan naman po ng ayuda. This is just a rollout today, this is just a pilot iikot po ang DTI, DSWD, at LGUS concerns para matiyak na ang ayuda kailangan ng mga apektadong magbibigas ay maibigay natin,” ayon kay Atty. Philip.

Samantala, nagpasalamat naman ang ilang rice retailers sa Quezon City matapos makatanggap ng ayuda.

Ngunit, hindi pa rin anila ito sasapat dahil sa laki ng lugi nila sa pagbebenta ng mababang halaga ng bigas.

More in Metro News

Latest News

To Top