National News
Pamamahagi ng FFP sa apektado ng Mt. Kanlaon eruption, sisimulan sa Huwebes – DSWD
Ipinag-utos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng 40-K na Family Food Packs (FFP) sa mga apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Island at Bacolod City.
Magsisimula ito sa Huwebes, June 6, 2024.
Mahigit 72-K pa naman ang available na food packs na nakatambay sa DSWD Western Visayas at Central Visayas Field Offices kung kayat sapat ang magiging ayuda para sa mga apektado.
Sinabi na rin ng ahensya sa kanilang Regional Directors sa Negros na patuloy makipag-ugnayan sa Central office hinggil sa monitoring ng sitwasyon.
Inataasan na rin ang field offices na magkaroon ng mobile command centers para sa mas mabisang komunikasyon sa pagitan ng national at Local Government agencies.
