Connect with us

Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator, sisimulan ngayong linggo – LTFRB

Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator, sisimulan ngayong linggo – LTFRB

National News

Pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator, sisimulan ngayong linggo – LTFRB

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatakdang simulan ang distribusyon ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon ngayong linggo.

Sa pahayag ng LTFRB, araw ng Martes, Setyembre 12 2023 ay inaasahang maido-download na sa ahensya ang P3-B pondo para rito.

Nasa 280-K Public Utility Vehicle (PUV) units ng pampublikong transportasyon ang mabibigyan ng ayuda, kabilang ang mga operator ng jeep, bus, taxi, Utility Vehicle (UV) express, shuttle service, tourist at school service.

Aabot sa 980-K sa mga tricycle driver at 150-K sa mga delivery rider.

P10-K ang matatanggap ng mga modernized jeepney at UV express, habang P6,5-K naman sa tradisyunal na jeep, bus, taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS), P1,2-K ang makukuha ng mga delivery rider at P1-K naman sa mga tricycle driver.

More in National News

Latest News

To Top