Connect with us

Pamamahagi ng relief goods at cash assistance, tinanggal na sa mga politiko

Pamamahagi ng relief goods at cash assistance, tinanggal na sa mga politiko

National News

Pamamahagi ng relief goods at cash assistance, tinanggal na sa mga politiko

Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga politiko ang pamamahagi ng mga relief goods at cash assistance sa mga apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Sa kaniyang talumpati kagabi, sinabi ng pangulo na ipauubaya na niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng relief goods at cash assistance at ayaw niya itong hawakan ng mga politiko.

‘Yung goods, bigas, bilisan ninyo at pagkain ‘yan. Mayroon tayong ginawang hakbang to sustain us but only if there is order. Kapag magulo, walang order, walang distribusyon na mangyari. Kaya mapipilitan akong sabihin na huwag ninyong gawin ‘yan.

Ayon sa pangulo, ang mga cash assistance ay maaring idagdag ng DSWD sa mga natatanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program (4Ps) ng gobyerno.

Aminado si Pangulong Duterte na may mga pulitiko na nananamantala sa kasalukuyang sitwasyon kung saan binabawasan ang mga tulong na para sa mga mahihirap.

More in National News

Latest News

To Top