National News
Pamamahala sa bansa, nasa tamang direksyon – OCTA survey
62% ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos.
Base ito sa pinakahuling tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.
Nasa 20% naman ng mga sumali sa survey ang hindi bilib sa palakad ng pamahalaan.
Sa lahat ng mga rehiyon na tinanong, ang mga taga-Mindanao (70%) ang pinakananiniwalang nasa tamang direksyon ang pamamahala sa bansa.
Sinundan ito ng mga taga Metro Manila (69%), Visayas (58%) at Balance Luzon (57%).
Sa 20% na hindi bilib sa pamahalaan, pinakamarami ang naitala sa Visayas (23%).
Ginawa ang survey nitong September 30 – October 4, 2023 sa 1,200 respondents edad 18-anyos pataas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.